Pages

Monday, 10 March 2014

Book Review: Diary ng Panget 1 to 4


Hey There! Welcome back to my blog! :)

At dahil pinoy novel ang irereview or ibblog ko ngaun, gagawin ko ito sa Tagalog =)

Una kong nakita ang librong ito habang naghahanap ako ng mga bagong libro ni Bob Ong, isa sa paborito kong manunulat ng pinoy novels. Ang saya kasi magbasa at supportahan ang libro ng mga manunulat nating pinoy.

Na-intriga ako sa Title ng libro kaya naman binili ko na siya, una kong nabili ung Part 1 at Part 2 ng libro kasi wala pa nun yung Part 3, hindi pa napa-publish..

Part 1 and Part 2:
Sobrang saya nung unang pagkikita nung mga bida sa libro. sino ba naman ang magaakalang magiging ganun ang tadhana nila, kahit anong iwas, eh, pinagtatagpo pa rin sila.

Natapos ang Part 2 na pinapalibutan si Eya ng mayayamang kaibigan at isang masungit na amo.

Part 3 and 4:
Ang tagal bago ko nabili ang librong ito, kasi naman, dahil sa ganda ng storya, nag-number one siya sa National Bookstore. Ako naman eh natutuwa para sa author (Congrats!), un nga lang parating sold out yung part 3, ang nakikita ko lang eh yung part 4. kaso ayoko bilhin kasi gustu ko muna mabasa ung part 3. 

Nung sa wakas, isang dalaw sa book store ay nakita ko din yung part 3! wohoo! (napakanta ako sa isip sa tuwa.. hahahaha). binili ko agad yung part 3 at yung part 4 (salamat naman at hnd nagsold out).

Nabasa ko ito ng 2 araw lang. konting tulog lang, kasi na-excite ako masyado sa kwento =)


Price: 150 each
Bought From: National Book Store (Market-Market)



Ang ganda nung twist and turns ng kwento! Medyo nalungkot lang ako nung mga 3 page nalang at matatapos na, pero masaya din naman ako nung naging maganda yung ending.. 

Ang ganda lang nung mga pinagdaanan at kung pano nai-describe ng author ung mga pangyayari sa buhay ni Eya nung nakilala nya si masungit na Cross :) Isa siguru sa rason kung bakit nagnumber one ang libro.

Ang ganda lang ng pagkakagawa ng author sa character ni Eya, super confident, kahit anong gawin hindi siya gumi-give up, ang bait niya sa kaibigan at mapagmahal sa magulang.

Good job naman sa sumulat neto, Nagpo-post pa din pala siya sa wattpad (http://www.wattpad.com/user/HaveYouSeenThisGirL) at bibilhin ko ung libro nya pag meron na ulit sa bookstore.. 

Magiging pelikula na din pala ito ngaung 2014.. cool!! 

Un lang.. salamat sa pagbabasa!  =)

<3 Gie

No comments:

Post a Comment